29

Oct 18, 2017 @ 15:40

PH, nakiramay sa terror bomb attack sa Somalia

Nagpahatid ng kanyang pakikiramay si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa Somalia bunsod ng pagkamatay ng mahigit 300 katao sa terrorist bomb attacks sa Mogadishu.

“We mourn with the people of Somalia over the loss of so many men, women and children in another senseless act of violence perpetrated against the innocent,” ani Cayetano.

Kasabay nito, kinondena rin ni Cayetano ang mga pag-atake.

Sa ulat ni Philippine Ambassador to Nairobi Norman Garibay, sinabi nito na wala pang impormasyon kung may napabilang na Filipino sa mga nasawi.

Sinabi ni Garibay na may halos 20 Filipino sa Somalia na kawani ng United Nations o ng mga construction companies.

Aniya, dalawang car bomb ang magkasunod na pinasabog sa Mogadishu at nagdulot din ito ng pagkakasugat ng mahigit 300 katao.

Wala pang grupo na umaangkin sa pag-atake bagama’t ang Islamic State ang itinuturong responsable ng gobyerno ng Somalia. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?