37

Nov 1, 2017 @ 12:38

PH, nakiramay sa terror attack sa New York

Walang Filipino na kabilang sa walong namatay at 11 nasugatan sa tinaguriang ‘act of terror’ sa Manhattan, New York kahapon.

Kasabay nito ang pagpapahatid ng pakikiramay ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa Amerika kaugnay sa insidente.

“The Philippines extends its deepest sympathies and is condemning this unspeakable act of terror,” ayon sa inilabas na pahayag ni Cayetano sabay dagdag, “Our hearts reach out to the families of those who lost their lives in this tragic incident in Manhattan. We also pray for the swift recovery of those who were injured.”

Nagpalabas na ang Philippine Consulate General sa New York ng abiso sa Filipino community na iwasan muna ang Chamber at West Streets sa Lower Manhattan, kung saan inararo ng driver ng isang inupahang delivery truck ang isang grupo ng mga bikers at pedestrians.

Sinabi naman ni Consul General Ma. Theresa Dizon-De Vega na agad silang nakipag-ugnayan sa New York Police Department at wala silang natanggap na ulat na may Filipinong biktima sa insidente.

Ang lugar ay ilang metro lang ang layo mula sa World Trade Center na siyang naging sentro ng 9/11 terror attack sa Estados Unidos noong 2001. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?