42

Dec 29, 2017 @ 15:58
By

PH nakiramay sa terror attack sa Afghanistan

Nagpahatid na ng pakikiramay ang Department of Foreign Affairs sa Afghanistan matapos ang panibagong terrorist bomb attack na ikinasawi ng mahigit 40 katao.

Sa pahayag ng DFA wala naman Filipino na kabilang sa mga nasawi maging sa mahigit 80 sugatan.

Nabatid na may 1,500 Filipino ang nagta trabaho sa Kabul maging sa iba pang bahagi ng Afghanistan.

Sa ulat kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano ni Philippine Charge d’Affaires Anwar Ito tinarget ng IS terrorists ang Shi’a cultural center at ang opisina ng isang news agency sa Kabul.

Naganap ang pag atake tatlong araw makalipas ang pag atake sa isang Intelligence compound sa Kabul kung saan 10 ang nasawi. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?