42
alan-peter-cayetano
Jul 9, 2018 @ 16:41
By

PH nakiramay sa mga namatay sa pagbaha sa Japan

Nagpaabot na ang Pilipinas ng pakikiramay sa Japan kasunod ng malawakang pagbaha bunga ng malakas na pagbuhos ng ulan na nagresulta sa pagkamatay ng halos 100 katao at pagkawala ng iba pa.

“We convey our deepest sympathies to the government and people of Japan, particularly to the victims of the recent floods and landslides in the western region,” sabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano sa pahayag na inilabas ng kagawaran sabay dagdag, “We pray for the safe recovery of those who are missing, for consolation for those who have lost loved ones and their homes.”

Sinabi pa ni Cayetano na handa ang Pilipinas na magpaabot ng anumang makakayang tulong habang patuloy ang pagsasagawa ng rescue and emergency response operations.

Ibinahagi nito na base sa ulat ng Consulate General sa Osaka, wala pang Filipino na naiulat na kabilang sa mga namatay.

Nagbilin na rin si Consul General Aileen Bugarin sa mga Filipino sa mga apektadong lugar na sumunod sa bilin at babala ng awtoridad.

Ang bilang ng mga Filipino sa mga apektadong lugar ay ang mga sumusunod: Hiroshima (6,891); Okayama (1,835); Ehime (1,518); Fukuoka (4,648); Kyoto (2,144); Tottori (530); Saga (615); Yamaguchi (1,439); Hyogo (4,123); at Gifu (11,363).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?