118

By

PH nagiging murder capital of Asia na – Trillanes

Sharing is caring!

Inakusahan ni Senador Antonio Trillanes IV si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagpapasimuno ng mga karahasan kung saan pinakahuling biktima si Tanauan City Mayor Antonio Halili.

Ayon kay Trillanes, ginagawa na ng Pangulo na “murder capital of Asia” ang Pilipinas dahil sa pagpatay ngayon sa mga drug suspect, pari at mga opisyal ng gobyerno.

Idiniin na kabaligtaran ito ng pangako ng Pangulo noong kampanya na ibabalik nito ang kapayapaan at kaayusan ng bansa.

Hindi naman aniya ito nakakagulat pa dahil katulad lang umano nu’ng maging “murder capital of the Philippines” ang Davao City noong alkalde nito si Pangulong Duterte.

“Now, for someone who promised to restore peace and order in our country during the campaign, it is ironic for a lot of people that Duterte has actually turned the Philippines into the murder capital of Asia,” ani Trillanes.

“But I am not surprised. Because this is consistent to how Duterte turned Davao City into the murder capital of the Philippines based on PNP data when he was still its mayor,” dagdag ni Trillanes.

Sa ngayon, ayon sa senador, wala nang ligtas dahil narito na ang karahasan na hasik ni Duterte.

“Duterte’s culture of violence is upon us. No one is safe now,” dagdag nito.

Umapela naman si Trillanes sa aniya’y mga disenteng kagawad ng Philippine National Police (PNP) na gampanan ang tungkulin na protektahan ang taumbayan mula sa mga kriminal at sundin lang ang mga legal na kautusan mula sa kanilang nakatataas.

Nanawagan din sa PNP Criminal Investigation and Detection Group at sa National Bureau of Investigation na gawing lahat para mapanagot ang pumaslang kay Halili.

Idiniin na kung totoo man na sangkot sa bentahan ng droga ang napatay na alkalde, hindi pa katwiran para ito paslangin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?