22

May 13, 2021 @ 17:03
By

PH may 7.7M bakuna pero 2.5M lang nabakunahan

Hanggang noong Mayo 11, dumating na sa bansa ang 7,764,050 doses ng bakuna laban sa COVID-19.

Batay sa datos ng National Task Force Against COVID-19, sa naturang bilang at petsa ay 6,408,640 doses o 83% ang naipadala na sa 17 rehiyon.

Naibakuna na ang 2,539,693 doses hanggang noong Mayo 11. Sa naturang bilang 2,025,038 ang ibinigay para sa unang dose at 514,655 naman para sa ikalawang dose.

Ang mga bakuna ay nakalaan para sa mga priority group na A1 (frontline health workers), A2 (senior citizens) at A3 (individuals with comorbidities).

Ang National Capital Region naman ang nakatanggap ng pinakamaraming bakuna na umabot sa 2,495,970 doses.

Sinundan ito ng Region 3 (631,620 doses), Region 4A (446,180), Region 7 (396,290), Region 6 (339,290), Region 11 (311,730), Region 1 (238,080), Region 10 (226,680), Region 8 (222,170), Region 5 (192,340), Region 12 (169,420), Region 9 (148,240), CARAGA (145,020), Region 2 (134,780), CAR (123,280), Region 4B (121,600) at BARMM (65,600).

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyong Pilipino bago matapos ang 2021.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,