18
gallup
By

PH mataas sa personal security survey

Sharing is caring!

Napanatili ng Pilipinas ang mataas na posisyon nito sa 2018 Global Law and Order Report ng Gallup.

Nasa ika-82 puwesto pa rin ang Pilipinas kasama ang Croatia, Poland, Israel, Mauritius, Bangladesh, Serbia, Australia, South Korea, Romania, Iran at Sri Lanka.

Sa survey ay sinukat ang sense of personal security at karanasan sa pagpapatupad ng batas.

Noong 2016, nasa ika-76 na puwesto ang Pilipinas.

Nanatili din ang Singapore sa tutok base sa nakuhang index score na 97.

Ngayon taon, sumunod sa Singapre ang Norway, Iceland at Finland na pawang nakakuha ng iskor na 93, samantalang ang pinakamababa ay ang Venezuela sa iskor na 44.

Ang 148,000 respondents survey sa 142 bansa ay sumagot sa apat na katanungan; in the city or area where you live, do you have confidence in the local police force?; do you feel safe walking alone at night in the city or area where you live?; within the last 12 months, have you had money or property stolen from you or another household member?; at within the past 12 months, have you been assaulted or mugged?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?