15

Mar 15, 2021 @ 18:10
By

PH Marshal Service na proteksyon sa hudikatura ipinamamadali sa Kongreso

Ipinamamadali ng isang solon ang pag-apruba sa panukalang pagtatayo ng Philippine Marshal Service na magbibigay ng proteksyon sa miyembro at empleyado ng hudikatura.

Ayon kay Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon ang panukala ay naaprubahan na sa komite at inaasahang maisasalang na sa plenaryo ng Kamara de Representantes.

“We are calling on our fellow legislators in both Houses of Congress to support this bill because of its relevance and necessity, not only for the safety and security of those in the judiciary but also for facilitating the swift delivery of justice,” ani Biazon.

Ang PH Marshall Service ay bibigyan din ng kapangyarihan na magsuri at mag-imbestiga ng mga banta sa mga miyembro ng hudikatura at empleyado nito at makipag-ugnayan sa ibang ahensya ng pamahalaan kung kakailanganin.

Bibigyan din ng kapangyarihan ang itatayong ahensya na magsagawa ng imbestigasyon sa mga iregularidad at korupsyon na maaaring nagawa ng mga hurado, hukom, iba pang opisyal ng korte at tauhan nito.

Ang hepe ng Marshall Service ay bibigyan ng ranggo na kasing taas ng Associate Justice ng Court of Appeals.

“There is a need to provide our magistrates and judges a secure environment where they will be able to perform this gargantuan task of rendering fair and just decisions amidst all threats to their lives and those of the members of their families,” ani Biazon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?