128
ABANTE malnutrition philippines down
By

PH malulugi ng P220-B dahil sa malnutrisyon – DOH

Mawawalan umano ang gobyerno ng P220 bilyon bawat taon dahil sa sa mataas na bilang ng malnutrisyon sa bansa.

Ito ang dahilan kung bakit inilunsad ng Department Of Health (DOH) at National Nutrition Council (NNC) katuwang ang Philippine Legislators’ Committee on Population and Development (PLCPD) at UNICEF ang “Economic Consequences of Undernutrition in the Philippines” and the “2017 Global Nutrition Report”

Batay sa pag-aaral, ilan sa mga pinagbatayan ng mababang nutrisyon ay ang pagiging lampa, anemia at kakulangan sa iodine.

Ang halaga na iyon ay katumbas umano ng 1.5 percent ng Gross Domestic Product ng Pilipinas noong 2015.

Nakasaad pa sa pag-aaral na maaaring matugunan ang naturang suliranin sa pamamagitan ng pamumuhunan sa nutrisyon.

Sinabi ni UNICEF Philippines Representative Lotta Sylwander, dahil sa malnutrisyon ay nananakaw ang saligan ng ating mga kabataan sa kalusugan at karapatan na makaahon, umunlad at makamit ang sukdulan ng kanilang potensiyal.

Kapag hindi aniya natugunan ang suliranin na ito ay mananatiling naisasantabi sa lipunan ang mga batang ito na may mababang performance sa eskuwela at mababang productivity sa kanilang pagtanda. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?