5

PH Malditas, lusaw na ang pag-asa sa World Cup

Sharing is caring!

Natuldukan na ang pangarap na makatuntong sa World Cup ng Philippine Malditas matapos yumuko sa South Korea sa 2018 AFC Women’s Asian Cup.

Nag-empake na ang Philippine women’s football team nang walisin ng SoKor, 5-0, sa Asian Cup nitong Martes ng umaga sa Amman, Jordan.

Naghabol ang Pinays matapos umiskor ni Jang Sel-Gi sa 34th minute, at dinoble pa ang kalamangan ni Mi-Na bago ang halftime.

Tuloy sa pagdomina ang Koreans na nagawa pa ni Lim Seon-Joo na ibaon sa 3-0 sa 56th minute ang Malditas.

Si Cho So-hyun ang tumapos sa laban sa pagsipa ng bola sa net sa 66th minute at sa penalty kick sa 84th minute.

Tumapos ang Malditas na ikatlo sa Group A sa 1-0-2 karta at naghahanda na lang sa 2022 AFC Women’s Asian Cup at 2023 FIFA Women’s World Cup.

Makakasama naman ang Korea sa semifinalists na Australia, Thailand, China, at Japan sa 2019 FIFA Women’s World Cup sa France.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?