16

May 11, 2021 @ 15:45
By

PH mage-export okra sa SoKor – DA

Inanunsyo ng Department of Agriculture (DA) nitong Lunes na mag eexport na ng okra ang Pilipinas sa South Korea simula sa panahon ng anihan sa pagitan ng taong 2021 at 2022.

Ayon kay DA secretary William Dar, inaasikaso na lamang ang ilang supply requirements sa pagitan ng dalawang bansa upang masimulan na ang page-export ng okra.

“After the resumption of okra exports to Japan last year, we are opening yet another market access for our okra, this time with the huge Korean food market,” pahayag ni Dar.

“The Philippine government has been requesting market access of okra to Korea since 2014 and finally, it was granted,” dagdag pa ng kalihim.

“This is a milestone for us considering we are still in the midst of the global pandemic.”

Ayon pa kay Dar, isa sa mga kondisyon ng pamahalaan ng South Korea upang matuloy ang page-export ay ang pagiinspeksyon ng mga taniman ng okra sa Tarlac, kung saan kukunin ang karamihan sa mga okrang ipapadala sa kanilang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?