172

By

PH, lumaya sa ilalim ni Duterte – Alvarez

Sharing is caring!

Sa panahon lamang umano ni Pangulong Rodrigo Duterte tunay na naging malaya ang Pilipinas.

Ito ayon kay Speaker Pantaleon Alvarez ay dahil sa malalaking pagbabago sa foreign policy ng administrasyong Duterte.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag sa kanyang mensahe bilang guest of honor sa selebrasyon ng 120th Independence Day sa Tagum City, Davao del Norte.

Ayon sa Speaker, sa mga nakalipas na administrasyon ay nanatiling kontrolado ng Amerika ang Pilipinas kahit pa ibinigay nito ang kalayaan ng bansa simula noong Hulyo 4, 1946.

“Our politics was controlled by Americans, our economy was controlled by the Americans. Were we truly independent? No! For a nation to be truly independent, it must not be under the control of any other country,” sabi ni Alvarez.

“Previously America was our only friend. When Pres. Duterte came into power he became friends with everyone. He befriended China, he befriended Russia, he befriended Korea, he befriended other nations in the world,” dagdag ng Speaker.

Naniniwala rin si Alvarez na karamihan sa mga kritisismo sa foreign policy ni Pangulong Duterte ay galing sa mga Amerikano at kanilang mga kaalyado na hindi matanggap ang katotohanang hindi na hawak ng US ang Pilipinas.

Tiniyak naman nito sa kanyang constituents na ang mga pagbabago sa foreign policy ay para sa ikabubuti ng mga Filipino.

“Our President’s only wish is for the peace and development of our country,” diin ni Alvarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?