149
PH karateka malaki ang potensiyal
Feb 20, 2020 @ 18:26
By

PH karateka malaki ang potensiyal

Naniniwala si former Southeast Asian Games champion at national team coach David Lay na may potensyal ang mga Pilipino sa larangan ng karate.

“With the right training and proper international exposure, Filipino karatekas can also excel in this sport,” saad ni Lay sa 56th “Usapang Sports” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) nitong Huwebes sa National Press Club sa Intramuros, Manila.

Ibinahagi rin ni Lay, chief instructor ng Karate Development Arts (KDA), na hangad nilang makapasok sa 2020 Tokyo Olympics si Filipino-Japanese Junna Tsukii.

“I think kailangan na lang niya (Tsukii) ng ilang medal finishes. I hope she makes it to the Olympics. I’m really happy that she is representing the Philippines, although she is half-Japanese, half-Filipina,” sambit ni Lay, na nagpakitang gilas rin sa karate noong 80s sa ilalim ng ama at coach ni Junna na si Shin Tsukii.

“Sa tingin ko, nag-improve na ng malaki ang karate dito sa atin. Madami na ding exposure ngayon ang mga karatekas natin, unlike nun panahon namin nun 1987, na madami pa kaming dapat matutunan.”

Inanunsyo rin ni Lay at Rudy Ochoa ng PKTS ang gaganaping first JKS, Japan Karate Shoto Federation, Kata at Kumite seminar, bahagi ng 20th anniversary ng KDA, sa darating na Linggo, Feb. 23 sa Ali Mall sa Cubao, Quezon City.

“This Sunday, we expect as many as 400 to 500 participants from various JKS clubs in Metro Manila,” sabi ni Ochoa sa weekly sports program na handog ng Philippine Sports Commission, National Press Club, PAGCOR, at Community Basketball Association.

Ayon kay Ochoa, mamumuno sa kata seminar alas-10:30 ng umaga si Lay, habang si Ali Parvinfar ang hahawak sa kumite seminar sa KDA event sa Ali Mall.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?