6

May 13, 2021 @ 16:03
By

PH kailangan ng P20B para bakunahan mga teenager vs COVID

Nasa P20 bilyong pondo ang kailangan ng gobyerno para maturukan ng COVID-19 vaccine ang mga kabataan.

“About P20 billion for approximately 15 million teenagers,” lahad ni Finance Secretary Carlos Dominguez III sa isang ulat ngayong Huwebes, Mayo 13.

Sinabi ito ni Dominguez kasunod ng mga ulat na binigyang-awtorisasyon na ng US regulators ang Pfizer COVID-19 vaccine para magamit sa mga kabataan, na 12-anyos ang pinakabata.

Sa anti-COVID vaccination program, target ng gobyerno na mabakunahan ang 50 hanggang 70 milyong Pilipino na edad 18 pataas lamang.

Wala pang programa para sa pagbabakuna ng mga teenager at bata sa bansa dahil wala pang available COVID-19 vaccine para magamit sa mga ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?