23
views

By

PH-Japan mas palalakasin ang ugnayan – DFA

Sharing is caring!

Nagkasundo ang Pilipinas at Japan na higit pang paigtingin ang pagtutulungan sa iba’t ibang larangan gaya ng ekonomiya, social security, infrastructure development, depensa at seguridad at paglaban sa terorismo.

Ito ay matapos ang pulong noong nakaraang linggo sa Tokyo nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at ng kaniyang counterpart na si Japanese Foreign Minister Taro Kono,

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), kabilang sa pinag-usapan ng dalawa ang mga isyu sa rehiyon gaya ng West Philippine Sea (South China Sea) at ang isyu sa Korean Peninsula.

Nagpasalamat doon si Cayetano sa laging kahandaan ng Japan na tumulong sa Pilipinas kapag ayroong kalamidad kaya naman nag-alok din ng tulong nang lindulin ang Kansai Region doon noong Hunyo 18.

Samantala’y pinasalamatan naman ng foreign minister ng Japan ang paglagda noong nakaraang buwan sa Memorandum of Cooperation o kasunduan na nagpapahintulot sa Japan na kolektahin ang mga labi ng mga sundalong Hapon na napatay dito sa Pilipinas noong World War II.

Kapwa naman umano nagpahayag doon ng kumpiyansa sina Cayetano at Kono na magdudulot ng kapayapaan sa Indo-Pacific region ang pag-uusap kamakailan nina US President Donald Trump at North Korean leader Kim Jong-un.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?