201

Dec 30, 2017 @ 16:26
By

PH, Japan agreement sa MRT-3 ops plantsado na

Inanunsiyo ng Department of Transportation (DOTr) na malapit nang matapos ang pakikipagkasundo ng Pilipinas sa Japan para sa maintenance operation ng MRT-3.

Sinabi ni Transportation Assistant Secretary for Railways TJ Batan, nasa huling yugto na ang pagpapalitan ng dalawang bansa ng Note Verbales para sa naturang plano.

Paliwanag ni Batan, kasama sa magiging kasunduan ang pagbibigay ng Japan ng Official Development Assistance o ODA para sa rehabilitasyon ng MRT-3.

Dagdag pa nito, subok na ang kahusayan ng Japan sa usapin ng railway system.

“Sa Tokyo na halos kasinlaki ng Metro Manila may 700 kilometro ng metro railway system, tayo 80 kilometro lang kasama pa ang PNR,” ani Batan.

Inaasahan aniya na sa susunod na buwan ay magkakaroon na ng pormal na kasunduan ang dalawang bansa. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?