144

Dec 9, 2017 @ 21:50

PH host ng 2023 Fiba World Cup

Opisyal nang magiging host ang Pilipinas sa 2023 Fiba World Cup.

Ito’y matapos ipresenta ng Pilipinas ang three-nation bid kasama ang Japan ang Indonesia sa Fiba Central Board sa Fiba headquarters sa Mies, Switzerland.

Pinangunahan ni Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang presentasyon.

Natuloy din ang pinapangarap ng Pilipinas na mag-host ng Fiba World Cup matapos mabigo noong 2015 kung saan naibigay sa China ang karapatang mag-host nito para 2019 World Cup.

Matapos manalo sa bidding ang Philippines, Indonesia at Japan ay awtomatikong slot sa 2023 World Cup, na magiging qualifying tournament din para sa 2024 Olympics in Paris.

Kalahati ng 32 qualifying matches ay lalaruin sa Manila habang ang kalahati ay gagawin naman sa Jakarta, Indonesia at Okinawa, Japan.

Ang knockout stage sa simula ng quarterfinals ay gagawin din sa Pilipinas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?