18

PH hindi tatakasan ang ICC probe – DFA

Sharing is caring!

Hindi umano iiwas ang Pilipinas sa napipintong imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) sa kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga.

Ito ang tiniyak ni Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano noong Miyerkules nga gabi kasunod nang hakbang ni Pangulong Rodrigo Duterte na kumalas sa Rome Statue na nagbuo ng ICC.

“To prove that it’s not a way of evading or getting away from consequences or the jurisdiction of ICC or yung nangyari na, even if magwithdraw tayo, covered pa rin yung actions natin when we are a member,” pahayag ni Cayetano sa isang panayam sa telebisyon.

“Doon sa mga nagsasabi na ayaw lang ni Presidente maging liable dito,” dagdag pa nito.

Ayon pa kay Cayetano, ang pag-urong ng Pilipinas sa ICC ay matagal na umanong lumutang noon.

“When the president took office and while I’m still at the Senate, that is being discussed already because human rights is seen to be politicized or weaponized,” sambit nito.

Kahit noong aniyang termino ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ay hindi pumayag ang militar sa ratipikasyon nito dahil may ‘internal conflict’ ito sa pamahalaan.

“Noong panahon ni Pangulong Arroyo, hindi pumayag ang military na ipa-ratify natin ‘yan kasi may internal conflict tayo, so ang mga pulis at militar natin baka ma-compromise,” he said.

Taong 2011 nang ratipikahan ng Senado ang Rome State, isang tratado na nagbubuo sa ICC. PNA

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?