kim-trump
By

PH, handang sumuporta para sa kapayapaan sa mundo

Sharing is caring!

Isa ang Pilipinas sa mga natuwa sa pagkasundo nina United States President Donald Trump at North Korean Leader Kim Jong Un sa ginanap na summit sa Singapore.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang makasaysayang kaganapan sa pagitan ng dalawang lider ang magiging daan para sa inaasam na kapayapaan, seguridad at katatagan sa rehiyong Asya at sa buong mundo.

“We welcome the landmark summit between US President Donald Trump and DPRK leader Kim Jong Un in Singapore. This development, which has underscored in the strongest terms the value of diplomacy and peaceful dialogue, augurs well for the peace, security and stability in the region and the world,” ani Roque.

Matatandaang naging urong-sulong ang planong pulong nina Trump at Kim subalit natuloy din sa Singapore, at nagkasundong ilalarga ang denuclearization sa mga armas ng North Korea.

Sinabi ni Roque na magiging bahagi na ng kasaysayan ng mundo ang matagumpay na pulong ng dalawang lider at simula ng proseso tungo sa kapayapaan.

Handa aniya ang Pilipinas na ibigay ang suporta para sa ikatatagumpay ng kapayapaan sa mundo.

“History has indeed been written. At the same time, this is but the beginning of a process. The Philippines is ready and willing to lend its support toward bringing it to fruition,” dagdag pa ni Roque.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?