182

Dec 7, 2021 @ 16:46
By

PH handang ‘makipagbombahan’ sa WPS

Handa ang Pilipinas sa isang “water war” sa West Philippine Sea (WPS).

Plano ng Philippine Coast Guard na magkasa ang “white to white diplomacy” sa pinag-aagawang karagatan.

Kaugnay ito sa pagtaboy at pagbomba ng water cannon ng mga barko ng Chinese Coast Guard sa mga bangka ng bansa na magsu-supply sana sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal noong Nobyembre 16.

“To avert po sir the water canon incident, the Coast Guard vessels will be re-provisioning the marines assigned in Ayungin po sir in Sierra Madre,” lahad ni PCG Vice Admiral Oscar Endona Jr. sa pagdinig sa Senado nang tanungin kung paanong tutugon ang bansa sakaling magpadala ang China ng amphibian vessel at okupahan ang parte ng Palawan.

“So hindi na po civilian vessel ‘yung gagamitin for re-provisioning our marine troops in Ayungin so we’ll be using the white ships already,” patuloy niya.

“We’ll use white to white diplomacy. Actually, our white ships also have a water cannon so puwede tayong gumanti ng water cannon,” ani Endona.

“Water war?” tanong ng senador. Na sinagot ng PCG official ng “yes”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?