208

By

PH flag na ginawang mantel, matagal nang kinuha

Nagsalita na ang netizen na nag-post ng nag-viral na Philippine flag na ginawang mantel sa isang catering event.

Ayon kay Albert Papina sa isang mensahe sa Facebook, ang nasabing larawan ay kuha pa noong 2015 mula sa kanyang kaibigan na nakatira sa America.

Saad niya na ang nasabing larawan ay hindi konektado sa kasalukuyang 2019 Southeast Asian Games at nilinaw na ito’y lumutang lang dahil muling nakita sa memory app ng kanyang Facebook account.

Aniya, ang kanyang pag-post ng nasabing larawan ay para lang ipabatid ang kanyang pagkadismaya sa paglapastangan sa bandila ng Pilipinas.

“I posted it just to express my dismay that apparently we the Filipinos have lost our love to our Mother Country,” ayon sa netizen.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?