57

Dec 13, 2017 @ 16:25
By

PH export umangat ng 11 percent – DTI

Kumpiyansa ang Department of Trade and Industry na magpapatuloy ang paglago ng export industry.

Inanunsiyo ng DTI-Export Marketing Bureau na ang merchandise exports ng bansa ay lumago ng 11.68 porsiyento bunsod ng kabuuang benta na $53.11 bilyon mula noong Enero hanggang Oktubre.

Sa katulad na panahon noong nakaraang taon ang total export sales ay $47.55 bilyon.

Halos 100 porsiyento ng merchandise exports ay electronics (50.78%) at non electronics (49.22%).

Sa paunang ulat mula sa Philippine Statistics Authority ang kabuuang export sales ng bansa ay lumago ng 6.6 porsiyento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?