232

Dec 26, 2017 @ 15:23
By

PH embassy sa Saudi nakahanda kapag lumala ang panggugulo ng Yemen

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia na sisiguraduhin nitong ligtas ang mga Pilipino roon sakaling lumala ang sitwasyon dulot ng ballistic missile attacks mula sa Yemen.

Ayon kay Philippine Ambassador to Riyadh Adnan Alonto, nakahanda naman ang contingency plans sakaling kailanganing ilikas ang libo-libong Pilipino roon.

Pero sa ngayon, normal at business at usual ang sitwasyon doon.

Noong nakaraang linggo, iniulat ni Alonto sa Department of Foreign Affairs na naharang ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang ballistic missile mula sa Yemen na tumarget sa Riyadh.

Iyon ay isang buwan makaraan na maharang din ng mga awtoridad ng Saudi Arabia ang ballistic missile mula Yemen na pumuntirya naman international airport doon.

Samantala, nagpasalamat si Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano sa pamahalaan ng Saudi Arabia dahil tinitiyak nilangs ligtas ang may isang milyong Pilipinong nagtatrabaho roon.

Umaasa din itong matatapos na ang tensiyon sa pagitan ng Saudi at Yemen alang-alang sa mga Pilpino roon at para sa kapayapaan sa Gitnang Silangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?