By

PH embassy sa Israel hugas kamay sa malaswang Christmas Party ng mga OFWs

Sharing is caring!

Itinanggi ngayon ng Philippine Embassy sa Israel na may kinalaman ito sa Christmas party roon ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nakita sa social media na may matinding kalaswaan.

Sa statement ni Philippine Ambassador to Israel Nathaniel Imperial, sinabing ang party ay inorganisa ng tatlong Filipino organizations na nakabase sa Haifa na isang oras ang layo mula sa Tel Aviv kung saan naroon ang embahada.

“The Philippine Embassy in Tel Aviv disclaims any involvement in the inappropriate videos and photos of a Christmas party in Israel, alleged by a vlogger who was neither present at the event nor based in Israel, to have been organized by Embassy officials,” pahayag ni Imperial.

Kinumpirma naman na dumalo sa party sina Consul Reichel Quinones at Cultural Attaché Geraldine Gamoso pero wala umanong alam ang dalawa na bahagi ng programa ang kalaswaan na kumalat sa social media.

Isa umano iyon sa dalawang party kung saan sila imbitado.

Umalis din kaagad sina Quinones at Gamoso nung nag-umpisa ang kalasawaan.

Pinagsabihan at pinagpapaliwanag na rin ng Philippine Embassy ang organizers ng party dahil marami silang natanggap na reklamo.

Idiniin na hindi rin nila nagustuhan ang nangyari sa party.

“In the context of the work we do to protect and promote the welfare of Filipino workers in Israel, the Embassy finds such performances highly offensive, and the spread of unverified information deeply disturbing,” dagdag ni Imperial.

Nagpapatulong naman ang embahada para para matigil ang pagkalat ng fake news na sila ang nag organisa ng party pati ng fake news na maaring makasama sa imahen ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Israel.

Sa kumalat na video, kita na nakipagharutan ang ilang babaeng OFW sa dalawang Israeli dancer.

Nakasuot naman ng damit ang dalawang lalaking dancer pero animo ay nakipagtalik sa ilang OFW.

Mayroong binuhat, may inihiga sa sahig at mayroong siniyawan ng dalawang lalaki habang nakaupo at habang dinidikitan ng maselang bahagi ng kanilang katawan. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?