27
Foreign Affairs Secretary West Sea

PH diplomats sa Kuwait rescue mission, kinasuhan ng kidnapping

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na kinasuhan ng kidnaping ang mga Filipino diplomats na nagsagawwa ng rescue mission sa mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Kuwait.

Paliwanag umano ng mga opisyal doon, lumabas na isang uri ng kidnapping ang sapilitang pagkuha ng mga Pinoy sa bahay ng kanilang mga amo.

Pero paliwanag ni Cayetano, may immunity ang mga diplomats base na rin sa naksaad sa Vienna Convention on Diplomatic Convention.

Nanindigan ang kalihim na ang rescue operation ng Philippine Embassy sa Kuwait ay isang hakbang para protektahan ang mga Pinoy doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?