45

By

PH ‘di lang si Ratliffe ang aabatan vs SoKor

‘Di lang si dating Philippine Basketball Association import Ricardo Ratliffe ang nasa radar ni Philippine men’s basketball team head coach Yeng Guiao kapag nakasalpukan sa ihahayag pang oras sa Lunes ang South Korea sa punong lungsod ng Indonesia.

Sumasabak bilang naturalized player na sa reigning Asian Games champions SoKor ang dating Star (ngayo’y Magnolia) reinforcement at isa sa inaasahan sa team, kayod ang 6-foot-8 , 29-year-old ng 21 points sa anim na may dobleng pigura sa hukbo niya nang pulbusin noong Lunes ang Thailand, 117-77.

Sa pagwalis sa 3-game elims Group A, nag-average ang Black American ng 23 pts. at 13 rebounds, kaya giniit ni national coach Guiao ang grabe-grabeng depensa upang mahakbangan ng mga Pilipino ang mga Koreano sa knockout quarters.

“We just have to prepare hard,” giit ni Guiao dahil sa matinik sa shooting na karibal. “Korea is getting balance contributions.”

Pero kaya aniya ng Rain or Shine-led PH quintet na makipagsabayan sa taas sa mga Koreano.

“The best thing about Korea is they’ve been so patient running their plays. They rely on their ball movement and would wait for an opportunity to break down the defense and attack it,” hirit niya.

Sa group prelims games, ‘di nababa sa 40% ang bitaw sa 3-poiint arc ng Hermit Kingdom. Kontra nga Thais, bumakbak ito ng 47% sa likod ng 15-of-32.

Isa sa snipers nito ang nakatakdang umedad na 27-anyos na si Jeon Junbeom, pumukol ng 5-of-8 sa labas ng arko sa blowout victory sa Thailand tungo sa 20 pts. Naka-16 markers siya laban sa Mongolia (108-73) sa 4-of-6 treys.

Markado rin sa Filipino hoopsters sina 6-foot-1 guard Heo Ung na kahit bagong salta pa lang sa team, nagpapakabibo na rin patunay ng 12 pts. per game, kabilang 3-for-3 sa 3-pt. shot laban sa Thais.

Narito pa rin sina 6-foot-5 Heo Ilyoung at Lee Junghyun, ang dalawang naiwan sa 2014 squad na may 13 at 11.6 pts. na average sa team, ayon sa pagkakasunod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?