86
abante-tnt-vismin-zhao-jianhua
By

PH ‘di kailanman magiging probinsiya ng China – Chinese ambassador

Tiniyak ni Chinese Ambassador to the Philippines Zhao Jianhua sa mga Filipino na hindi mangyayari ang pinangangambahang maging probinsiya ng China ang Pilipinas.

Kasunod ito ng idinulot na kontrobersiya ng tarpaulins na ikinalat sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila nitong nakalipas na linggo na nagsasaad ng “Welcome to the Philippines, province of China”.

Ayon kay Zhao, hindi magiging probinsiya ng China ang Pilipinas ngayon o kahit kailan.

Isang maiksing “very bad” ang sagot ng Chinese ambassador sa ambush interview sa kanya sa groundbreaking ceremony ng dalawang bagong tulay na pinondohan ng China sa Intramuros, Manila kaugnay sa mga ikinalat na tarpaulins.

Sinabi ni Zhao na hindi maganda sa bilateral relations ng Pilipinas at China ang mga ikinalat na tarpaulins dahil tila ginagalit ng kung sino mang may pakana nito ang mga Filipino.

Naunang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang mga kalaban ng Duterte administration ang nasa likod ng tarpaulins para magalit ang taumbayan sa Presidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?