wps5
By

PH dapat dumulog sa ASEAN kaugnay sa isyu ng WPS – Carpio

Sharing is caring!

Bukod sa pagdulog sa international tribunal, may nakikita pang ibang lugar si Acting Chief Justice Antonio Carpio para igiit sa China ang ating karapatan sa West Philippine Sea at kilalanin ang desisyon ng Permanent Court of Arbitration (PCA).

Ito ay ang Association of Southeast Asian Nation o ASEAN.

Ginawa ni Carpio ang pahayag bilang reaksyon pa rin sa diumano’y pagnanakaw ng Chinese Coast Guard sa huling isda ng mga Pilipinong naglayag sa Scarborough Shoal.

Ayon kay Carpio, dahil ang Vietnam na mayroon ding karapatang mangisda sa Scarborough Shoal ay myembro rin ng ASEAN, maaring gamitin ang nasabing samahan ng mga bansa para itulak ang China na tumalima sa international law.

“We will use pressure from ASEAN, because Vietnam is also a member of ASEAN, and pressure from the world. China has to abide by international law,” saad ni Carpio.

Dagdag pa ni Carpio maari ding dumulog taun-taon ang Pilipinas sa United General Assembly dahil kumpyansa siyang makakakuha ng suporta ang Pilipinas mula sa UN.

“I said before that right after the ruling was issued, we should have gone to the General Assembly, sponsored a resolution that China must comply with the ruling. It think we will get a majority of the members of the UN to do that.

“We do that every year. I think we will get more support every year,” giit ni Carpio.

Isinusulong na sa ASEAN ang negosasyon para sa Code of Conduct on South China Sea kasama ang bansang China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?