70

By

PH cyclist Prado nag-collapse matapos sungkitin ang ginto

Hindi madaling makakuha ng gintong medalya sa Southeast Asian Games, patunay na rito ang nangyari kay PH-bet Jermyn Prado sa cycling.

Tumapos si Prado sa oras na 44 minutes, 44.742 seconds para masungkit ang gintong medalya sa women’s individual time trial sa Nasugbu, Batangas.

Kinailangang itodo ni Prado ang mga huling padyak dahil nakasunod lang sa kanya si Luo Yiwei ng Singapore na tumapos 44:48.518, apat na segundo lang ang ng Pinay.

Kaya naman pagtungtong sa finish line, tila bumuhos na ang pagod na tiniis ni Prado at tuluyang nag-collapse sa sahig.

“Tinodo ko na po eh. Sobrang hirap. Pero paid off lahat ng sakripisyo po namin. Sobrang saya po,” ayon sa PH cyclist.

Siya ang ikatlong gold medallist sa cycling kasunod sina Lea Denise Belgira at John Derick Farr sa mountain bike event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?