63

Feb 3, 2020 @ 11:15
By

PH Cup opening: SMB vs. Magnolia

Plano ng PBA na magsagawa ng mas maraming provincial game at isa pang out-of-the-country game sa papasok na 45th season.

Sisiklab ang susunod na calendar year ng liga sa March 1 sa pamamagitan ng Philippine Cup. Rematch agad ng San Miguel Beermen at Magnolia Hotshots Pambansang Manok sa nag-iisang laro sa opening night sa Smart Araneta Coliseum.

Kinalos ng Beermen ang Hotshots sa pitong laro noong isang taon para sikwatin ang panlimang sunod na all-Pinoy crown.

Limang provincial game ang nakalinya sa PH Cup sa Bataan, Cagayan de Oro, Panabo, Dipolog at Iloilo.

Tagumpay ang double-header sa Dubai noong huling season, balak ng liga na magkaroon ng laro alinman sa Riyadh, Saudi Arabia, Dubai ulit o USA.

Sa Philippine Cup (March 1-June 7), top eight ang aabante sa quarterfinals, twice-to-beat ang top 2 laban sa Nos. 8 at 7. Best-of-three ang No. 3 vs. No. 6 at No. 4 vs. No. 5. Parehong best-of-seven ang semis at finals.

Ganito rin ang set-up sa midseason Commissioner’s Cup (June 24-October 4) pero best-of-five ang semis, best-of-seven ang finals.

Sa Governors’ Cup (Oct. 11-Jan. 29), walong teams ang papasok sa quarters. Twice-to-beat ang top 4 squads. Best-of-five ang semis, magsasara ang season pagkatapos ng race-to-four finals.

Break ang torneo sa July 10-12 para sa annual All-Star game sa Passi, Iloilo.

Sa pangatlong sunod na season, walang laro ng Christmas Day.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?