8

Oct 12, 2021 @ 15:09
By

PH Consul sa pagkamatay ng Pinay nurse: Seguridad sa lansangan ng New York paigtingin!

Kasunod ng trahedyang dinanas ni Maria Ambrocio, isang Pinay nurse na nasawi sa New York, nanawagan si Philippines Consul General Elmer Cato sa US government para sa mas pinaigting na seguridad sa naturang lansangan sa Amerika.

“This afternoon, as we mourn the passing of Maria Luningning Ambrocio, I reiterate our call for authorities to take more effective steps to make the streets of New York safe again,” sambit ni Cato sa isinagawang memorial service sa St. Francis of Assisi Church, Herald Square.

“While we know that authorities are doing their best, we hope that they exert more serious efforts to make more resources available to make this happen,” dagdag pa niya.

Nito lamang Sabado nang masawi ang 58 anyos na nurse matapos siyang atakihin ng isang kelot na palaboy habang naglalakad kasama ang ilan niyang kaibigan sa sa Times Square, Manhattan.

Ayon sa ulat, napuruhan ang ulo ng ginang nang bumagsak ito dahilan para ideklara siyang brain dead na.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?