8

Aug 26, 2020 @ 19:06
By

PH concert ni Alanis Morissette inusog

Sa susunod na taon pa mapapanood nang live ng mga Filipino fan si Alanis Morissette.

Mula kasi sa scheduled concert niya sa Pilipinas na April 6-7 ay pinostpone ito ni Morissette dahil sa pandemya.

Inanunsyo ng Ovation Productions ang pagbabago sa schedule ng Manila leg ng “Jagged Little Pill” world tour ng Canadian singer na mangyayari na sa Dec. 7 at 8, 2021 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Maaari namang mag-refund ng tickets sa SM Tickets sa customercare@smtickets.com o tumawag sa 8470-2222 hanggang Sept. 30, 2020.

Sumikat si Morissette noong 1990s. Kabilang sa mga popular niyang awitin ang “Ironic” at “Thank U”. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?