shoal
By

PH, China, Vietnam, dapat may Scarborough Shoal agreement – Carpio

Sharing is caring!

Panahon na para magkaroon ng kasunduan ang Pilipinas, China at Vietnam na naggigiit ng karapatan na mangisda sa Scarborough Shoal.

Ito ang inihayag ni Acting Chief Justice Antonio Carpio kaugnay pa rin ng diumano’y pang-aagaw ng Chinese Coast Guard sa mga huling isda ng mga Filipino na naglayag sa Scarborough Shoal.

Ang Scarborough Shoal, batay sa desisyon ng Permanent Court of Arbitration, ay idineklara bilang common fishing area ng mga mangingisdang Filipino, Chinese at Vietnamese.

Pero ang problema ayon kay Carpio, walang common agreement sa pagitan ng tatlong bansa kaugnay sa panuntunan sa pangingisda sa nasabing teritoryo.

Mahalaga umano na magkaroon ng kasunduan at maitakda ang panuntunan sa pangingisda nang sa gayon ay maprotektahan ang lugar at matiyak ang sustainable fishing doon.

Gayunman, pinuna ng mahistrado ang pagtutol ng China na makipag-usap para sa paglalatag ng panuntunan sa pangingisda sa Scarborough.

Giit ni Carpio, wala sa hurisdiksiyon ng China na sabihin na pinahihintulutan nila ang ating mga kababayan na mangisda roon dahil may karapatan ang mga Pinoy na mangisda sa Scarborough na matagal nang traditional fishing ground ng mga Filipino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?