99

Oct 26, 2017 @ 10:57

PH bet Elizabeth Clenci, 2nd runner-up 2017 Miss Grand International

Kinapos ang pambato ng Pilipinas na si Elizabeth Clenci na makuha ang korona ng Miss Grand International title subalit siya ang kauna-unahang Pinay at Asian candidate na nakapasok sa Top 5 ng pageant.

Si Clenci ay inihayag na second runner-up, sa likod nang eventual winner na si Maria Jose Lora ng Peru at first runner-up Tulia Aleman Ferrer ng Venezuela.

Ang pambato ng Puerto Rico na si Brenda Jimenez ang itinanghal na third runner-up habang pang-lima naman Czech Republic bet na si Nikola Uhlirova .

Sa final round, tinanong si Clenci, na isang half Romanian, half Pinay: “If you have to issue a law to punish criminals of war and violence, how would you punish these people and why?”

Sinagot naman niya ito ng: “a nation is judged not by criminals but how the nation punishes them” before advocating for mental rehabilitation. She also said that persons should not be judged simply by the crimes they commit.

Ginanap ang coronation night sa Vietnam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?