21

May 5, 2021 @ 19:31

PH badminton coach Carlos, iba pa sa “Usapang Sports on Air”

Mga sport na badminton, netball at swimming ang sentro ng talakayan sa weekly “Usapang Sports on Air” ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) Huwebes.

Bibida sa weekly sports forum sina Philippine badminton team coach Bianca Carlos, Philippine netball secretary-general Sea Ann Gallegos, head coach Angelina Fedillaga at player Eunice Japone at Dubai-based swimming champion Jaella Miche Mendoza upang talakayin ang kani-kanilang mga sports sa 10am public service program.

Ibabahagi ni Carlos, undefeated sa women’s singles ng UAAP para sa Ateneo Lady Eagles mula 2013-2017, ang kanyang role bilang coach ng national team at tsansa ng bansa sa darating na 31st Southeast Asian Games sa Vietnam.

Sa kabilang dako, magbibigay naman ng ilang updates sa netball sina Gallegos, Fedillaga at Japone habang ikukwento naman ni Mendoza ang kanyang international swimming experience.

Iniimbitahan ni TOPS president Ed Andaya ng People’s Tonight ang lahat ng officers, members at mga kasamahan sa sports community na makiisa sa session na suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) at Games and Amusements Board (GAB). (Abby Toralba)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?