30

Jul 16, 2018 @ 16:51
By

PH, Australia nagsagawa ng maritime drills sa Palawan

Naglunsad ng 10-araw na maritime exercises ang Pilipinas at Australia sa Palawan.

Magaganap umano ang drills sa karagatang katabi ang West Philippine Sea para tugunan ang kidnapping at terrorism.

Katabi rin umano ng Palawan ang Sulu Sea na marami ring kaso ng pangingidnap at pamimirata.

Isinagawa ang kicked off ceremony sa Naval Station Apolinario Jalondoon covered court sa Puerto Princesa City.

Tatakbo ito hanggang Hulyo 25.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?