13

Oct 12, 2020 @ 20:35
By

PH Army niregaluhan ng 2 helicopter

Nakatanggap ang Philippine Army (PA) ng dalawang R-44 Raven light training helicopter mula sa mga sikretong donor.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay, tumangging magpabanggit ng pangalan ang mga donor.

Sa kabila noon ay lubos ang pasasalamat niya sa mga ito dahil may dagdag gamit sila para sa aviation regiment training ng militar.

Kasalukuyang layunin ng militar na durugin ang mga external at internal security threat sa bansa partikular na ang New People’s Army at Abu Sayyaf Group.

Samantala, nakatakdang bumili ang Army ng mga light tank at self-propelled artillery para sa kanilang misyon.

Binigyang-diin ni Gapay ang importansya ng pagiging “well-equipped”.

“We cannot stress the importance of being well-equipped as we face all these adversaries in our territorial defense, counter-insurgency efforts, including humanitarian response,” saad ni Gapay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?