329

Apr 23, 2020 @ 12:16
By

PH Army kinumpirmang may sakit sa utak ang napatay na ex-soldier

Pinaalam ng Philippine Army na totoong may mental disorder ang napatay na dating sundalo matapos itong barilin ng isang pulis sa Quezon City.

Ayon sa pahayag ng Army, na-diagnose si dating Col. Winston Ragos na may post-traumatic stress disorder na naging dahilan para i-discharge ito sa serbisyo.

Huli umano itong na-deploy sa Marawi kung saan nangyari ang madugong Marawi siege noong 2017.

“In November 2017, Ragos was given a complete disability discharge from his military service, complete with pension and other assistance, after being diagnosed with a mental disorder (PTSD),” saad ng Army.

“To a soldier, the wounds of war are not just physical but also mental and their scars are not always visible,” lahad pa.

Nag-utos naman si Army commanding general Lt. Gen. Gilbert Gapay para maimbestigahan ang pagkamatay ni Ragos matapos itong barilin ng dalawang beses ni Police Master Sergeant Daniel Florendo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?