4

Oct 31, 2020 @ 10:57
By

PH ambassador: Walang nasawing Pinoy sa Turkey earthquake

Inulat ni Philippine ambassador to Turkey Raul Hernandez na walang naitalang namatay na Pinoy sa nangyaring magnitude 7.0 earhquake sa Izmir, Turkey na naramdaman din sa Greece.

“We (Embassy Team) are now in Izmir for a consular mission where a powerful earthquake struck the region,” ayon sa tweet ni Hernandez.

“The team is in touch with Consul General Ender Yorgancilar and our Filcom leaders who have informed us that so far there are no Filipino casualties. Let’s pray for the safety and welfare of our kababayans here and people of Izmir during this challenging times,” aniya pa.

Biyernes tumama ang naturang lindol na tinatayang nasa 20 gusali ang nawasak dahil sa matinding pag-uga ng lupa.

Napansin din ang pagkakaroon ng mini tsunami dulot ng naturang lindol.

Unang napaulat na aabot sa 19 ang nasawi, habang lampas 700 ang sugatan sa magnitude 7.0 earthquake.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?