62

Mar 4, 2021 @ 17:55
By

PH ambassador sa Brazil ‘di nakapagpigil kaya sinaktan Pinay housekeeper

“Hindi ko na-control ang sarili ko. I know it was wrong. It was really wrong. And I will ask for forgiveness. I am deeply remorseful of what happened” – ito ang may pagsisising sinambit ni dating Philippine ambassador to Brazil Marichu Mauro kaugnay sa kanyang pananakit na ginawa sa Pinay niyang kasambahay dahilan para masibak siya sa serbisyo.

Ani Mauro, matagal na silang magkakilala ng kasambahay at may isyung pamilya kaya nasaktan niya ito.

“What the public does not know is that there were family dynamics involved. It is this familiarity that caused me to cross the boundaries that I would never cross,” wika ni Mauro sa panayam ng GMA News.

“So nagawa ko ‘yun and I deeply, deeply regretted my behavior. May mga wrongdoings tayo sa buhay natin. Wala naman sa ating perpekto. But pinagsisihan ko ‘yun. I regretted my behavior,” pagpapatuloy niya.

Oktubre ng nakaraang taon umuwi ang embahador sa Pilipinas matapos siyang pabalikin ng Department of Foreign Affairs buhat ng kumalat na video ng kanyang pamamato at pananabunot sa kanyang housekeeper.

Nakabalik na rin sa bansa ang biktimang kasambahay.

Nito lamang Lunes nang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggal na serbisyo si Mauro dahil sa pangmamaltrato niya sa Pinay na housekeeper.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?