35

Oct 27, 2020 @ 15:58
By

PH ambassador na sinaktan kasambahay, kinahiya ni Villanueva

Kahihiya-hiya umano ang ginawang pagmaltrato ng Philippine Ambassador sa Brazil sa isang Pinay domestic worker sa naturang bansa.

Ito ang pahayag ni Senador Joel Villanueva, chair ng Senate labor committee, kasabay nang panawagan sa Department of Foreign Affairs (DFA) na madaliin ang pagsisiyasat kay Ambbasador Marcihu Mauro na nakita sa video footage na pinamaltrato ang kanyang Pinay na kasambahay.

“Embahada po natin dapat ang nangangalaga sa mga kababayan natin sa labas ng bansa. Paano pa po magtitiwala ang mga kababayan natin kung mismong ambassador ang abusado?” ani Villanueva.

“Mariin po nating kinukondena ang insidenteng ito at hinihiling natin sa pamunuan ng DFA na imbestigahan ang ating ambassador sa Brazil,” saad pa nito sa isang statement.

“There are only about 1,200 Filipinos in Brazil, such a small group, probably closely knit. Let us make sure this incident cannot in any way encourage maltreatment and any feeling of insecurity among Filipinos in Brazil,” ayon pa sa senador.

Sabi ni Villanueva, magsilbi rin sanang babala ang insidente sa diplomatic service dahil bilang kinatawan ng bansa sa ibang bayan, sila ang dapat poprotekta sa kanyang mga kababayan sa labas ng bakuran ng bansa.

“This incident must give focus on what kind of grievance procedure our Embassies provide our OFWs. The DFA should recheck if there is an active system that actually works in providing protection to OFWs and any case of abuse and maltreatment does not go unchecked,” sabi pa ni Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?