12

Jun 4, 2021 @ 16:40
By

PH active case lumobo uli sa 60,000

Pumalong muli sa mahigit 60,000 ang aktibong kaso ng coronavirus sa Pilipinas o kasalukuyang ginagamot sa virus matapos maitala ang 7,450 bagong COVID-19 case nitong Biyernes.

Ito na ang ikalawang sunod na araw na nagtala ang bansa ng mahigit 7,000 bagong kaso.

Ayon sa Department of Health, nairehistro sa 60,794 ang active case.

Samantala, 2,382 pasyente ang bagong nakarekober sa sakit habang 181 ang bagong namatay dulot ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?