17

Jul 19, 2021 @ 21:45

PH 3 na todas sa Delta variant

Nadagdagan pa ng isa ang dalawang namatay na pasyente na nagpositibo sa Delta variant.

Ito ang kinumpirma kahapon ng Department of Health (DOH) na tatlong pasyente ng Delta variant sa bansa, ang pumanaw.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naberipika nilang namatay na rin dahil sa naturang variant ang isa pang pasyente na mula sa Antique, na unang iniulat na nakarekober na.

Nabatid na ang pasyente ay isang 78-anyos na babae na mula Baybay, Antique, at namatay noong Mayo 30 kung saan hindi umano ito nabakunahan at wala ring travel history.

Kabilang ang nasawi sa 11 lokal na kaso ng Delta variant na unang iniulat ng DOH nakaraang linggo.

Habang ang dalawa pang Delta variant patient na namatay sa sakit ay isang 63-anyos na lalaking seafarer mula sa MV Athens na namatay noong Mayo 19 at isang 58-taong gulang na babae mula sa Pandacan, Maynila na namatay noong Hunyo 28. (Juliet de Loza-Cudia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?