22
pgt

PGT ginawaran ng Gold Creator Award ng YouTube

Sharing is caring!

Hindi lang sa telebisyon namamayagpag ang Pilipinas Got Talent kundi maging sa online world. Hinirang nga kamakailan ang programa bilang pinakaunang Kapamilya show na nakakuha ng Gold Creator Award mula sa YouTube matapos itong umabot at magkaroon ng 1 milyong subscribers sa kanilang official YouTube channel.

Trending din lagi sa video sharing website ang iba’t ibang PGT performances simula pa noong audition round, patunay kung gaano ka in-demand at hinahanap hanap ng netizens ang mga kaganapan sa show.

Hindi rin papahuli ang PGT sa Twitter world dahil bawat episode ay tiyak trending topic ang official hashtag para sa gabing iyon at maging judges ay agaw eksena din sa top trends.

Lumalaki naman ang following nito sa Instagram dala na rin ng bonggang IG posts nito.

Pilot week pa lang ng show ay agad na pumalo ang episode nito sa all-time high national TV rating na 43.3%, isa sa pinakamataas na rating na natamo ng isang weekend program para sa taong ito.

Patuloy ang live semifinals ng programa at ilang grand finalist slots na lang ang natitira. Ano- anong acts ang sasama sa Nocturnal Dance Company, Orville Tonido, Kristel De Catalina, Xtreme Dancers, Bardilleranze, at DWC Aeon Flex sa huling laban para sa P2 milyon?

Para bumoto, i-text ang PGT NameOfContestant at ipadala sa 2366 para sa lahat ng networks.

Maari ring bumoto via Google. Maglog-in lang gamit ang inyong Google account at i-type ang PGT VOTE sa Google search bar. Pindutin ang larawan ng contestant na nais iboto at i-click ang submit. Tandaan, one vote per Google account or SIM lang ang tatanggapin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }