226

Jul 10, 2019 @ 20:58
By

PGH umapela sa publiko: Maghanap muna ng ibang ospital

Nanawagan sa publiko ang Philippine General Hospital (PGH) na magpaospital sa iba dahil sumasailalim sa renovation ang kanilang emergency room (ER) at intensive care unit (ICU).

Ayon kay PGH officer-in-charge at spokesperson Jubert Benedicto, ang pagsasaayos sa ospital, na nagsimula ng Hunyo ng nakaraang taon, ay dahil sa limitado nang kapasidad ng PGH para sa mga pasyente.

Inaasahan umanong matatapos ang renovation sa Pebrero 2020.

Dahil umano sa ginagawang pagsasaayos, nabawasan ang bilang ng mga pasyente na kayang matingnan at magamot sa ER at ICU ng PGH dahil bumaba ang bed capacity nila.

Nilinaw naman ni Benedicto na sa kabila nito, hindi sila nagtataboy ng mga pasyente at binibigyan pa rin ng akmang serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?