51

Sep 9, 2021 @ 19:58
By

PGH nilayasan ng 10 doktor

Sampung volunteer doctor mula sa Department of Health ang nagbitiw sa Philippine General Hospital (PGH).

Sa gitna ito ng pag-abot ng ospital sa full capacity ng mga COVID-19 patient.

Ani PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario, hindi niya batid ang dahilan ng pagbibitiw ng mga nasabing doktor.

Aniya, maaaring pagod na ang mga ito o nagkakasakit na.

“Maybe I can just hypothesize. Maaaring napagod na rin, maaaring ‘yung iba nagkakasakit. They probably look at PGH na masyadong maraming trabaho. The truth of the matter is they can probably be earning more if they just [have] less work, higher pay outside,” pahayag niya sa panayam sa CNN Philippines.

“Ang narinig ko minsan ‘yung suweldo na P50,000 a month, to a lot of people that’s not enough. Because if they can moonlight somewhere, they can earn twice as much,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,