106

Dec 21, 2017 @ 14:53
By

UP-PGH at DOH sanib-puwersa sa Dengvaxia probe

Para sa patas at walang duda na imbestigasyon sa kontrobersiya hinggil sa Dengvaxia, hiniling ng Department of Health (DOH) ang ayuda ng mga eksperto mula sa University of the Philippines-Philippine General Hospital (UP-PGH) para i-validate ang mga kaso ng pagkamatay ng mga naturukan ng nasabing bakuna.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque, anuman ang resulta ng imbestigasyon o dahilan ng pagkamatay ng mga nabakunahan ng Dengvaxia ay kanila itong ipaaalam sa publiko.

Pagtitiyak ni Duque, ang grupo na susuri sa pagkamatay ng mga naturukan ay bubuuin ng mga eksperto, mga pediatrician, pathologists at iba pang espesyalista na walang anumang kaugnayan sa Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia.

Iginiit din ng kalihim na mananatiling bukas ang DOH sa anumang katanungan hinggil sa Dengvaxia.

Magtatalaga rin ang kagawaran ng permanenteng eskima para imonitor ang lahat ng kaso na may kinalaman sa kontrobersiya na bakuna sa pamamagitan ng Dengue Vaccine Task Force. (Rick Villanueva)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?