142

Dec 4, 2021 @ 15:42
By

PGC: Omicron posibleng nasa ‘Pinas na

Sinabi ng Philippine Genome Center (PGC) na wala pang nakikitang Omicron variant ngunit maaring nakapasok na ito sa Pilipinas.

Ayon kay PGC Executive Director Cynthia Saloma sa Laging Handa briefing, wala pang nakikitang Omicron sa 18K samples na nai-sequence pero maaring nakalusot na ito sa border ng bansa.

“So far wala pa tayong na-detect na Omicron from the 18,000 na nai-sequence natin. It is possible that it has entered our borders,” ani Saloma.

Ngunit, sinabi rin nito na mahigpit nilang binabantayan ang pagpasok ng bagong variant.

“We are on the lookout for that,” dagdag pa ni Saloma.

Samantala, hinihintay pa rin ang resulta ng genome sequencing sa tatlong manlalakbay na nagpositibo sa COVID-19 na galing sa Burkina Faso, Egypt, at South Africa para alamin kung ang kanilang dala ay ang Omicron variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?