28

Aug 21, 2021 @ 14:47
By

PGC: Delta variant laganap na sa Pinas

Idineklara ng Philippine Genome Center (PGC) ngayong Sabado na may community transmission na ng Delta variant sa bansa.

“Ako [I] professionally, and we at the Philippine Genome Center, while we do our analysis and we try to link the cases, based on the phylogenetic tree that we are doing, it is really a community transmission,” pahayag ni PGC Executive Director Cynthia Saloma.

Ayon kay Saloma ang Delta variant ang siyang nasa likod ng muling paglobo ng mga kaso ng COVID sa bansa.

“Sa aking palagay, may kinalaman ang Delta variant sa pagtaas ng mga kaso ng COVID-19… Marami nang kaso na hindi alam kung saan nagmula,” dagdag pa ni Saloma.

Ang community transmission din umano ay hindi lamang sa NCR kundi maging sa ibang mga lugar sa bansa.

Gayunpaman, epektibo pa rin naman umano ang mga COVID vaccine laban sa Delta variant.

“When we talk about Delta variant, mabilis talaga ito kumalat pero kapag nabakunahan ang mga tao, mape-prevent nating ang hospitalization o death,” wika pa ni Saloma.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?