402

Sep 19, 2021 @ 10:40
By

PFP: BBM for president sa 2022!

Inendorso ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. bilang kanilang pambato sa pagkapresidente sa Halalan 2022.

“The resolution endorsing [former] Senator Ferdinand Bongbong Marcos Jr. to be the PFP’s presidential candidate in the May 9, 2022 national election has been moved and duly seconded,” anang partido sa kanilang pahayag sa national convention.

“There being no objection, the resolution is approved,” dagdag pa nila.

Taong 2016 nang matalo si BBM sa pagkabise presidente matapos maungusan ni kasalukuyang Vice President Leni Robredo nang 263,473 votes.

Matatandaang makailang beses siyang naghain ng election protest sa Korye Suprema laban sa opisyal nguni ibinasura rin ito dahil sa kakulangan ng merit. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,